5 years of waiting

Monday, December 29, 2008

2008

50% happiness
50% struggle

100%blessing

january - june

wuhooo! rejoice! ang dami dami kong nagawa! masaya lahat :)

jan-feb : trainings, fashion show, vigan

march-april : trainings, bonding, at new found close friends :)

april-may: trainings, summer, pag-hatid sa bahay ni louie :)

june : trainings, tagaytay, naging kami ni louie :) at last dance with oneshade

________________________________________________________

june - december

awww.. tae.. ang hirap.. shet. haha. pero ayos lng. di parin ako/kami pinabayaan :)
thank you Lord :)

june : 2weeks after maging kami ni louie, umalis na ako papunta dito sa states

july : 1st month nalampasan namin ang hirap :) galing galing. hug dear >:D<
hindi parin mapuputol ng distansya ang kapit ng relasyon namin :) pano mapuputol yun eh kung ang nakahawak smin ay ang Diyos at hawak nmin Siya? diba? :)

alam ko.. pahapyaw na hirap palang to. lalo na kung hindi pa ako makahanap ng trabaho. sandamukal na pagsubok siguro ang haharapin ko lalo na sa aming dalawa. hindi parin naman ako nwwalan ng pag-asa na magkaron ng trabaho. pero ang hirap din talaga eh.

___________________________________________________________

miss ko na mama ko..
gusto ko na sya makayakap ulit.
mahalikan sa pingi.
masabihan ng "i love you ma" bago pumasok sa ust
pagbukas nya ng pinto kapag inuumaga ako
yung pagsasabi nya ng "bunso"
pagsimba ksama sya
alagaan sya kapag may sakit sya
masahihin sya kapag may sumasakit sa katawan nya
yung manghihingi ako ng baon pang 1araw pero ggwin ko pang2 araw na para mkatipid
yung itatago ko yung pera ko sa knya
at makatabi sya kapag matutulog na ako

____________________________________________________________

miss ko na yfc...
madasal kasama sila
maging camp head
ung pagssayaw sa contest nila
mga sigawan namin
gumawa ng bahay para sa mahihirap
magturo sa mga bata
yung ssbhin ko na gamitin nlng ang talento ksa gumawa ng bisyo
magbless at humalik sa mga tito at tita
yung kumanta ng mga worship songs at iiyak nlng sa sobrang tuwa

____________________________________________________________

miss ko na mga kaibigan at barkada ko sa ust...
magtawanan kasama sila
magyakapan
kumain
sigawan ng malupet lupet
makipagmurahan
tumambay
matulog
maglaro
magkwentuhan
bonding kapag may ulan dahil hindi makauwi
miss ko na ung baha at hindi kami nakauwi ng 3am
miss ko na yung mga nmtc boys sa lugar nmin
mga kalokohan na gnagawa ko

____________________________________________________________

miss na miss ko na si louie...
okay.. ang hirap.. ang hirap ilista lahat..
sa ikli ng pagsasama namin nung naging kami. lessthan 2weeks? ang dami ko kaagad namiss sa kanya

nung hindi pa kami. natutuwa ako kapag nakikita ko sya. dahil meron akong nararamdaman na masaya sya kapag nakikita nya ako. parang gnun eh.. or feeling lng ako? haha. ewan...

miss ko na yung makayakap sya sa harap ng mga kaibigan namin
mahalikan ko sya sa pisngi nya bago sya umuwi
mahawakan yung kamay nya habang tumatawid
hhawakan ko ung mukha nya kapag hahalikan ko na sya
miss ko na makita yung "kilig face" nya kapag niloloko kaming dalawa
miss ko na yung pakiramdam nung unang nayakap ko sya
----------- yung unang beses ko syang nahalikan sa labi nya
----------- yung ilang oras kaming natutulog ng magkatabi

nung nsa pinas pa ako.. alam ko sa bawat umaga at sa bawat alis ko ng bahay. kailangan swabe ako buong araw. kasi alam ko pagdating ng hapon hanggang uwian. sya makakasama ko. makukumpleto nnman ang araw ko. kahit simpleng hatid lang. kahit simpleng sabay magmeryenda.. wala ng mas sasaya pa kapag kasama mo ang pinakaiingatan mo sa buhay. hindi man sapat ang oras na magkasama tayo, sobrang pinasaya mo parin ako. hindi ka nagkulang sa kahit anong pagpaparamdam ng kung anong nararamdaman mo para skin.

ngayon naman..
sa bawat umaga ng paggising ko.. alam ko hindi ko pa sya malalapitan, mahahawakan, at mahhalikan.. pero nababalutan parin ng ngiti mukha ko paggising ko kasi may mga text messages naman sya para sakin.

____________________________________________________________

miss na miss na kita alam mo ba yun? sobra kaya.
mahal na mahal din kita at alam ko na alam mo yun :)
magkakasama din tayo pagdating ng "panahon" :)
hindi kita iiwan. hindi ako mawawala. patuloy lang kitang mamahalin :)

i love you dear
"its a kiss that changed our lives"
(YEHEY! quote ko yan! haha! korni ba? pasensya) :))



1 comment:

aiwa said...

i hate you macky. you make me cry :'(

imy.